Tagalog

Binabati ka namin sa Website ng Komisyon ng Audit

Ang Komisyon ng Audit ay nagbibigay ng malaya, propesyunal at may kalidad na serbisyo ng pag-audit upang makatulong sa Pamahalaan at sa mga organisasyon sa pampublikong sektor upang mapaghusay ang paggawa at pananagutan ng pampublikong sektor.

Regular na nagsasagawa ng pag-audit ang Komisyon ng Audit upang suriin ang mga gastusin ng Pamahalaan at mga organisasyon sa pampublikong sektor, at magbigay halaga sa pag-audit ng salapi upang suriin ang kanilang ekonomiya, kahusayan, at pagiging epektibo.

Pananaw, Misyon at Pag-uugali
Ang Aming Pananaw
Kahusayan sa Pag-audit sa Pampublikong Sektor

Nagsisikap kaming makamit ang kahusayan sa pagbibigay ng malayang serbisyo ng pag-audit sa pampublikong sektor sa pamamagitan ng aming pangako sa pagiging propesyunal at makabago.

Ang Aming Misyon
Ang magbigay ng Malaya, propesyunal, at de kalidad na serbisyo ng pag-audit upang makatulong sa Pamahalaan at mga organisasyon ng pampublikong sektor na mapaghusay ang paggawa at pananagutan ng pampublikong sektor sa Hong Kong.

 

Nakakamit naming ang aming Misyon sa pamamagitan ng:

  • pagsasagawa ng regular na audit na nagbibigay sa Konseho ng Pagbatas nang may may saysay na katiyakan na ang mga bayarin ng Pamahalaan, pondo sa merkado at iba pang pondo ay inihanda ayon sa mga naaangkop na balangkas ng pinansyal na ulat; at
  • magsagawa ng audit ng halaga ng salapi na nagbibigay ng Konseho ng Pagbatas nang may malayang impormasyon, payo at paninigurado tungkol sa ekonomiya, kahusayan at pagiging epektibo ng kung saan ang ano mang kagawaran/ departamento ng Pamahalaan, ahensya, iba pang kapulungan sa publiko, pampublikong tanggapan, o mga organisasyong na-audit ay isinagawa ang kanilang mga tungkulin.
Ang Aming Pag-uugali

Kami ay nakatuon sa aming paninindigang magkaroon ng mataas na kalidad ng integridad sa pagsasagawa at pagpapatupad ng aming mga responsibilidad sa pag-audit. Mayroon kaming mahalagang pag-ugali tulad ng Propesyunalismo, pagiging Masusi at Nakatuon sa mga Tao, na nagtuturo sa lahat ng kailangan sa aming trabaho kabilang na ang Aming mga serbisyo, Aming kultura, at Aming mga Tao.

Pag-Audit sa Regularidad
  • ito ay isinasagawa upang magbigay sa Konseho ng Pagbatas nang naaangkop na paniniguro na ang mga bayarin ng Pamahalaan, pondo sa merkado, at iba pang pondo ay inihanda ayon sa naaangkop na balangkas na ulat pinansyal;
  • ay isinagawa ayon sa programa ng trabaho na itinakda kada taon ng Direktor ng Audit;
  • ay isinagawa gamit ang paraang ayon sa antas ng panganib; at
  • hindi intensyong ipaalam ang anu mang kamalian sa pag-kwenta o hindi tamas a pinansyal na aspeto

Ang Ordinansa ng Pag-Audit (Cap. 122) ay tumutukoy sa pagtatalaga, pag-upo sa tanggapan, mga tungkulin at kapangyarihan ng Direktor ng Audit, para sa pagpasa ng taunang ulat ng Direktor ng Serbisyo ng Accounting, para sa pagsusuri at audit ng mga nasabing ulat ng Direktor ng Audit, at para sa pagpasa ng kanyang ulat tungkol dito sa Pangulo ng Konseho ng Pagbatas.

Pag-Audit ng Halaga ng Salapi

Pag-Audit ng Halaga ng Salapi

  • ay isang pagsusuri sa ekonomiya, kahusayan, at pagiging epektibo kung saan ang sangay ng pag-audit ay isinisagawa ang kanilang tungkulin;
  • isinasagawa sa ilalim ng hanay ng mga alituntunin, na sinang-ayunan sa pagitan ng Komite ng Pampublikong Account at ng Direktor ng Audit at tinanggap ng Pamahalaan. Ang mga alituntunin ay inihain sa Konseho ng Probisyonal na Pagbatas ng Tagapangulo ng Komite ng Pampublikong Account noong 11 Pebrero 1998;
  • ay isinagawa ayon sa programa ng pagtrabaho na taunang tinutukoy ng Direktor ng Audit; at
  • isinasagawa gamit ang paraang may istruktura.

Ang Tagalog na bersyon ng website ng Komisyon ng Audit ay naglalaman ng mga piling mga kapakipakinabang impormasyon lamang. Maaari mong makita ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.